Panaginip

Nakaupo ako sa isang kahoy na mesa kung saan nakalatag ang mga telang may muwestrang nag-mula sa mga malayong lugar. Kahit ang aming upuan ay puno ng ukit ng mga simbolong tila’y galing sa ibang mundo.

“Binibili ko na ang pag-tulog ko,” sabi ng matandang hermitanyong nasa aking harapan. “Alam mo ba ang ibig sabihin noon?” kanyang tinanong.

“Opo,” aking marespetong tinugon. Marahil ay may ideya ako ngunit hindi ko talaga naintindihan at naisip lang na marapat siguro na ako ay sumangayon na lamang.

“Ganoon na ang mundo ngayon. Kahit pagtulog ay binibili na. May presyo na ang mahimbing na pagtulog. May presyo na ang magpahinga at managinip.”

Napaka pamilyar ng mukha ng matandang nasa harap ko. Kung sana lang ay tanggalin niya ang nakatalukbong sa kanyang mukha at ang kanyang mahaba at maputing balbas.

Sa aking kaliwa, isang reynang laki sa layaw, suot niya’y mga magagandang alahas at bestidang yari sa mamahaling sutla. Siya ay malunkot at namumugtong ang mga mata. Pilit niyang ibinubulong sa akin na kumuha ako ng mainit na tubig para sa kanya.

“Hangal!” sigaw ng hermitanyo at sabay na pag hampas sa mesa at pag tangal ng nakatalukbong sa kanyang mukha, “walang ibang makakapag-desisyon hanggat ako’y nabubuhay pa.”

Marahil ay hindi ko nga talaga naintindihan ang kanyang sinabi at dapat ay nanatili na lamang na tahimik. Tumuro siya sa akin at tila’y biglang sumikip ang aking dibdib at nahirapan akong huminga. Pinilit kong abutin ang balaraw sa aking tagiliran upang lumaban sa inakala kong hermitanyo na yun pala ay ang dalubhasang Manggagaway.

Inabot ng reyna sa akin ang isang tasang may laman ng mainit na tubig na kanyang kanina pa hinihingi. Ako ay tumikim at sa kaunting aking nainom ako ay biglang napadilat.

Ako ay nakahiga at nakaharap sa kisame ng aking kuwarto. Sa kanan, ang aking laptop na naiwan kong tumutugtog pa rin ng musika. Oo nga pala, maaga nga pala akong nakatulog kagabi. Bumaba ako ng bahay at nagtimpla ng kape.

Sa halip ng delubyo, tuloy lang ang buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s