Snow Globe

Ang siyensya ay patuloy na nagbabago at araw-araw ay may mga bagong nadidiskobre ang ating mga scientist. Noong unang panahon nga ay akala nila na nasa gitna ng kalawakan ang ating mundo, ngunit napatunayan ilang libong taon ang makalipas na ito pala ay hindi totoo. Malay ba natin kung sa mga susunod na taon ay madiskobre nila na ang ating mundo ay nasa loob lang pala ng isang higanteng snow globe. Hindi tayo nakakasigurado. Walang taong perpekto ang kaalaman tunkol sa ating mundo.

Kailan lang ay may bagong proposisyon ang mga researchers sa University of Bristol sa United Kingdom. Ayon sa kanilang pananaliksik, dapat daw ay baguhin natin ang ating pag-categorize sa mga intoxicants at ipinagbabawal na gamot ayon sa kanilang masamang epekto sa ating pagiisip at katawan. Kasama sa kanilang pagsusuri ang legal na substances na alak at tobacco, na siyang na-consider na pang-lima at pang-siyam na pinaka delikado.

Talaga nga namang nakakapagtaka ang kanilang mga naging conclusion sa kanilang mga isinagawang research. Ayon sa kanila, mas delikado pa daw ang alak, tobacco, o kahit ang cannabis kaysa sa mga chemical na Ecstasy o LSD. Mas delikado pa nga daw ang alak kaysa sa Ketamine.

Ito ay isa lamang sa libo-libong pagaaral na ginagawa ng ating mga scientist araw-araw. Hindi ko sinasabi na ito ay ating paniwalaan, nais ko lamang ay maipahiwatig na ang siyensya ay patuloy na nagbabago at dapat buksan natin ang ating kaisipan sa bagong impormasyon at data. Huwag tayong matakot na palawakin ang ating kaalaman. Hindi lahat ng itinuturo nila sa atin ay tama. Huwag muna tayo mag-generalize ng mga bagay-bagay. Tayo’y magsuri muna, kaibigan. Tayo’y magbasa at manaliksik. Maghanap ng references bago maghusga. Malay ba natin… baka nga nasa loob lang tayo ng isang snow globe.

peace.

Reference:
1. Scientists want new drug rankings, BBC news, (url: http://news.bbc.co.uk/2/hi/health/6474053.stm#drugs)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s