8-point agenda patungo sa kaunlaran

Siguro kung may internet at may wastong kaalaman sa pag-gamit ng internet ang bawat pamilyang Pilipino, hindi ganito ka dami ang magiging boto ni Erap Estrada. Ang internet ay nagamit na venue ng marami upang makipagpalitan ng opinyon at data sa isa’t isa. Ang mapayapang pag-compete ng mga magkasalungat na idea ay nagbubunga ng mas critical at mas aware na counsciousness.

Siguro dapat gumawa ang gobyerno ng isang socialized o universal internet program para sa lahat ng Pilipino. Ha ha. Biro lang ito. Alam naman natin na hindi ito magiging epektibo dahil sa mga sumusunod na rason: ito ay masyadong magastos, magiging mabagal ang serbisyo at mababa ang quality (dahil wala silang competition), at magiging oportunidad ito para sa kurapsyon (mapupunta sa iilang appointed bureaucrats ang mga desisyon at mas makikinabang ang mga may “koneksyon” sa mga bureaucrat na ito). Siguro sa makati pwede itong gumana parang yung yellowcard healthcare thing nila (what a surprising lead by Binay).

Bihira sa mga naging debate natin ang mga specific na sagot sa tanong na paano. Puro ano ang gagawin pero hindi nila sinsasabi kung paano (kunwari sasabihin nila aayusin ang edukasyon o tatanggalin ang korupsyon pero never nila sinsasabi kung paano). Kaya naisip ko, kung ako ay presidente o kandidato ano kaya ang magiging plataporma ko. Ito ang naisip ko:

8 point agenda patungo sa kaunlaran:

1. Mas maliit na gobyerno: Corruption lang ang tanging produkto ng isang malaking gobyerno na puno ng burokrasya. Dapat malimitahan ang role ng gobyerno sa pag protekta ng ating safety at pagpatayo ng mga necessary infrastructures. Hindi pag dagdag ng trabaho sa gobyerno ang solusyon sa ating mga problema. Dapat ma stream-line ang mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ma-abolish ang mga unnecessary bureaucracies.

2. Tanggalin ang wasteful spending: Wala dapat ma-approve na proyekto hanggat walang transparency. Ang bawat bibilihin, ang presyo, at supplier ng gobyerno at ng mga iba’t ibang ahensya nito ay dapat naka tala sa isang public record na ma-aaccess ng mamamayan. Pwede itong ilagay sa internet o pwede rin naman isang public newsletter para sa mga probinsya na walang internet. Ang hindi necessary ay hindi bibilhin. Hindi pwedeng masyadong mahal ang mga office supplies at furnitures ng munisipyo at mga ahensya ng gobyerno. Dapat wala ding surplus o sobra. Kailangan ba talaga na magarbo at maganda ang opisina ng mga bureaucrats? Ang taong maraming utang, dapat magtipid. Dahil mas papaliitin natin ang gobyerno mas lalaki ang budget para sa mga bagay na kailangan talaga ng mamamayan.

3. Gawing mas economically free ang mamamayan: Kontrolado at regulated ng mga appointed bureaucrats kung sino ang magkakaroon ng lisensya para magkaroon ng isang negosyo. Madami din iba’t ibang fire or safety permits na required kung saan mga appointed bureaucrats din ang nag a-approve. Dahil dito nagiging mabagal at magastos ang proseso sa pagsimula ng isang business. Dahil dito, hindi nahahayaan na ang market ang magdesisyon sa safety at competence ng isang produkto o serbisyo. Nalilimitahan din ang small-scale businesses dahil sa dami ng gastos at requirements. Kapag naging mas economically free ang mga tao: lalaki ang kita ng negosyante, tataas ang sweldo ng mang-gagawa, maa-attract ang mga foreign investors, dadami ang trabaho, magkakaroon ng healthy competition sa market na siyang magiging beneficial para sa consumer.

4. Bawasan ang buwis: Ayos lang magbayad ng buwis para sa proyektong tulad ng mga kalsada, mga ilaw, mga police, husgado, at iba pa. Ngunit madami sa ating buwis ang hindi naman necessary tulad ng VAT, real property tax, at inheritance tax. Ito ay mga masakit na burden sa mamamayan. Ang pinaghirapan ay involutarily na ibibigay sa mga appointed bureaucrats upang sila ang magdesisyon kung paano ito gagastusin. Ibibigay lang ng magulang sa anak ang kanyang pinaghirapan kailangan pa may hati ang gobyerno? Dahil sa agenda na pag-cut sa wasteful spending, maaari na nating matanggal ang mga unecessary taxes na siyang burden sa mamamayan.

5. Protektahan ang borders ng Mindanao: Ito ay para hindi makapag angkat ng mga military weapons at explosives ang mga may masamang intensyon. Kapag naipatupad na ang mga unang nasabing agenda at nabigyan ng mas maraming kalayaan ang mga rebelde magkakaroon na significant na bawas sa kanilang mga reason sa pag-aklas. Bibigyan din ng autonomy ang kanilang local government na maipa-flourish ang kanilang kultura at paniniwala. Bibigyan ng pardon ang mga makikipag-cooperate sa mga negosasyong ito. Ang mga ayaw pa rin talaga ay tutugisin ng militar upang maipa-rehabilitate. Ang gagamit ng dahas ay gagamitan din ng dahas bilang isang economic self-defense.

6. Suportahan ang teknolohiyang magpapalaya sa ating dependence sa langis: Susuportahan ng gobyerno ang Hydrogen fuel cell o ano pa mang teknolohiya na katulad nito. Bibigyan ng tax cuts at iba pang incentives ang mga companies na magkakaroon ng environmental initiatives (example, bakit ayaw dalahin dito ng Honda ang Honda Clarity na gumagamit ng hydrogen fuel cell? Kapag dinala nila yun dito sa ating market bibigyan sila ng incentive).

7. Wag suportahan ang interventionist foreign policies ng United States: Dapat tayong makipagkaibigan at makipagkalakalan sa lahat ng nations regardless sa kanilang paniniwala o pamamaraan ng gobyerno. Ang reason kung bakit US ang tinatarget ng terroists ay dahil sa kanilang pag police ng mundo at pag pakialam at pag pa tayo ng empire. Ito ang rason kung bakit sila maraming kaaway. Madaming mayaman at malayang nayon sa mundo na hindi naman sinusugod ng terrorists. Ibig sabihin hindi kalayaan o yaman ang dahilan ng conflicts na ito.

8. Protektahan ang liberties ng mamamayan: Hindi healthy ang KFC. Dapat ba protektahan ng gobyerno ang mamamayan mula sa dangers ng KFC at gawin itong illegal? Hindi. Dahil ang bawat indibidwal ay may karapatan na makapili para sa sarili. Siya ang tanging may sovereignty sa kanyang pagkatao at ari-arian. Basta’t may informed consent at walang pinipilit o sinasaktan dapat walang pakialam ang gobyerno.

Pero medyo useless din lahat to dahil wala naman akong pera, hindi ako artista, at wala akong magulang na namatay para sa democracy. haha

Advertisements

3 Comments Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s